

BUENAVISTA ELEMENTARY SCHOOL
A premier educational institution in Sablayan District, Division of Occidental Mindoro.
Upcoming Events

​NE​WS & EVENTS​
Manunulat ng Ang Dugoy, tinanghal na Over-All Champion
​
Nakuha ng mga manunulat at mga tagapayo ng Ang Dugoy ang kampeonato sa ika-walong pagkakataon sa katatapos na District Schools Press Conference na ginanap sa Sablayan Central School, Sablayan, Occ. Mindoro
Nasungkit nina Herlene Shay Mendoza at Ramon Dalugdug III ang una at ikalawang puwesto sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. Samantala, nakuha din ni Dalugdog ang unang puwesto sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan.
Sa kategoryang English ng Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita ay nasungkit di nina Haidie N. Fanoga at Xyrill Jade D. Santiago ang una at ikalawang puwesto habang nakuha din ni Santiago ang ikalawang puwesto sa Sports Wrting na kung saan si EJ Miguel ang nakakuha ng unang puwesto.
Maging sa Pagkuha ng Larawan ay wagi din ang pambato ng paaralan na si Mark Jomil V. Reyes na nakuha ang unang puwesto sa English habang si Drew Alexis F. Lopez naman ang nakakuha ng ikalawang puwesto sa kategoryang Filipino.
Sa larangan naman ng kategoryang Pagsulat ng Editoryal ay nakuha nman ni Mary Christine P. Danseco ang unang puwesto puwesto.
Malaki din ang naging kontribusyon ng mga mag-aaral sa kategorya ng Radio Broadcasting kung saan ang wagi din ang BES sa parehas na kategorya sa Filipino at English ganundin sa collaborative publishing.
Sa kabuuan, tinanghal na kampeon ang Buenavista Elementary School na sinundan ng Sto. Nino Elem. School, at pumangatlo ang Sablayan Central School.
Naging tagapatnubay ng mga pawang nagwagi sina G. Willer O. Arellano, G. Joean M. Layron, Gng. Gina O. Balsamo, Gng. Teresa F. Sales, G. Rafael Santos,at G. Joriel S. Alburo.
​
​
L
Mga mag-aaral na IP ng BES
naabutan ng tulong


Bilang tugon sa kahilingan ng Punongbayan ng Sablayan na si Kgg. Eduardo B. Gadiano kay Communication and Resource Mobilization Manager Nancy Galang Conception ng Alagang Kapatid Foundation Inc., naabutan ng tulong ang mga mangyan na mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Buenavista, Agosto 13.
Sa humigit kumulang na 2,000 mga Taobuid at mga Alangan Mangyan na mga mag-aaral sa elementarya mula sa Barangay San Agustin, Ligaya, Burgos at Pag-asa ay mapalad ang 47 mga mag-aaral na mangyan sa BES na napagkalooban ng mga pangunahing gamit sa paaralan tulad ng bag, papel, notebook, lapis, ballpen, libro at iba pa pati na rin ng ilang kagamitan sa bahay.
Naisakatuparan ang gawaing ito sa pakikipagtulungan ng Lokal na pamahalaan ng Sablayan, National Bookstore, DepEd Sablayan
BES Tumanggap ng DCP Package

Pinagkalooban ng Department of Education sa ilalim ng DepEd Computerization Program ng makabagong teknolohiya ang Buenavista Elementary School, bilang bahagi ng malawakang kompyuterisasyon ng ahensiya, nito lamang ika- 21 ng Oktubre.
Isa ang paaralan sa mapalad na napili upang mapagkalooban ng DCP package Batch 29 at 30. Ang batch 29 ay kinapapalooban ng 1 laptop, projector at multimedia speaker na magsisilbing mobile audio-visual facility para sa Kinder to Grade Three. Samantalang ang batch 30 ay naglalaman ng 2 hosts PC, 12 thin clients, 1 laptop, at 50” flat screen television. Isa sa natatanging kakayahan ng kompyuter package na ito ay nakokontrol ng host PC ang mga clients kompyuter na ginagamit ng mga bata. Higit na magiging kapaki-pakinabang ang pasilidad na ito upang magabayan ang mga mag-aaral sa wastong pag-gamit ng mga kompyuter. Kasabay ng pagkakabit ng mga naturang makabagong kagamitan ay ang pagsasanay ng mga guro sa pag-gamit nito.
Ayon kay Bb. Evelyn Bonilla, principal ng paaralan, “malaking katulungan ito upang mahikayat ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Makatutulong din ito sa mga guro sa panahon ng kanilang pagtuturo. Isa itong malaking oppurtunidad upang maitaas ang kalidad ng edukasyon” dagdag pa niya.
Mahigit isang libong mag-aaral ang makikinabang sa dito taon-taon. Ang panibagong batches na ito ay makatutulong sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon.